In paying tribute to my Parents who pushed me to have high grades. Happy International Parents’ Day!

Jun 1, 2018 | DAILY DOSE, MOMHOOD & PARENTING

Last month ata nagtrending yung Daddy na very proud sa anak despite the low grades ng anak niya. I have all my praise to Daddy, that is how the world works, kahit ano maabot ng anak mo, at the end of the day magiging proud ka sakanya.

However, to be fair naman sa mga magulang na nagpush sa mga anak nila, let’s pay tribute naman sakanila. Bilang isang anak na “Pinush” at “Pinag pursige” ng magulang, sa tingin ko naman wala naman din masama sa ginagawa nila. It is true that grades may not be the basis of one’s success. However, the process of having or aiming for a higher grade is a good way para mag impose ng discipline sa kids mo. Isama nadin natin yung ilang companies na tinitignan yung school records mo para mahire ka nila, naalala ko yung na-applyan ko before na yung last question sa akin nung owner is “Honor Student ka ba?”. (I was supposed to be hired, pero tinurn down ko yung offer.)

Siguro minsan depende how a child is raised. Natatandaan ko, kapag may mataas ako na grades, hindi yun ang papansinin ng Mommy ko. Ang papansinin niya yung mababa, hanggang sa mareach ko na yung gusto niya. Nagkaroon ba yun ng bad impact sa akin? Hindi. It made me better na mas maintindihan na meron talagang room for improvements. Hindi naman ganun kaganda kung stagnant nalang yung grades mo sa ganun, para sa akin mas magandang may improvements padin. Naapply ko yan sa buhay ko ngayon, minsan nararamdaman ko na kulang pa yung pag aalaga na nabibigay ko sa anak ko, nagseself assessment din ako, dun ko narerealize ano pa bang dapat ko iimprove sa pagiging Momma/StepMomma.

Nakasanayan ko yung sarap ng feeling pag mataas grades mo, until I reached the point na ako na mismo ang nag iimpose sa sarili ko na kailangan maging “Top/Honor Student” ako kasi masaya ako. I graduated in elementary with Honors, nung highschool hanggang sa classroom lang may Top, and during my college days ako na mismo ang nagpursige sa sarili ko na Magfull Scholar (nung nasa Mapua pa ako) at Dean’s Lister nung nasa San Beda ako. Bakit ko ginusto yun? Para sa sarili ko. Para mamarket ko yung sarili ko in the near future dahil sa corporate world, madami talagang lalamon sayo. Siyempre nung fresh grad ako, ano bang maipapakita ko sakanila kundi yung school records ko.

Isa lang naman ang gusto kong punto dito, gusto ko lang pasalamatan yung parents ko na nagpush sakin para mag pursige sa sarili ko noon. Hindi dahil pinush ako na magkaroon ng matataas na grades ay masamang magulang na sila, napaka daming naituro sakin ng bagay na yon dahil hanggang ngayon dala dala ko lahat ng yon at chinchallenge sarili ako everyday to be better. Kung di ako nagkakamali, kapag ineevaluate tayo ng boss natin hanggang ngayon, may involve padin na grades and numbers. Kaya laging nakakatatak sa isip ko na at the end of the day, kailangan padin talagang magsipag para makakuha ng magandang evaluation at high increase 🙂

Little SuperMama

SKY

SKY

Hi I'm Sky and it rhymes! I am a happy wife to a crazy husband. A breastfeeding, sometimes OA and devoted Mother of JK and JS. I used to be a full time corporate slave and now a full time Work-at-Home Momma who enjoys doing art and craft. I have this little dream to be an inspiration to the world through God's will which is why I pursued this mini online space. I am a hungry learner and always strive to challenge myself and do more. I am definitely a work-in-progress striving to master the beauty of being a Mama, being a wife and a better person. Welcome to my space 💙

View Full Profile →

View my food journey on Zomato!

PROUD MEMBER OF

We Are Virtual Assistants Button

 photo awt-logo_zpsl6hhiasj.png

Hello, Visitors!

  • 2,539 hits

POWERED BY